Isang malaking karangalan para sa Bayan ng Agoncillo ang tagumpay ng ating Elementary Softball Team mula sa Subic Elementary School na nagkamit ng Silver Medal sa kasalukuyang ginaganap na Regional Athletic Association Meet (RAAM) 2026. Sa murang edad ay ipinakita na ng ating mga batang atleta ang kanilang husay, determinasyon, at matinding dedikasyon sa larangan ng softball.
Sa bawat laban na kanilang hinarap, makikita ang kanilang matibay na teamwork, disiplina, at tapang na makipagsabayan sa iba’t ibang koponan mula sa iba’t ibang bayan. Sa kabila ng pagod at pressure ng kompetisyon, patuloy nilang ibinigay ang kanilang pinakamahusay na laro upang maipakita ang galing ng mga batang atletang Agoncillian.
Malaki rin ang naging papel ng kanilang Coach na si Pedro D. De Sagun at Assistant Coach na si Rosemarie C. Del Mundo, na walang sawang gumabay, nagsanay, at nagbigay inspirasyon sa koponan upang makamit ang karangalang ito.
Lubos din ang pagbati ng ating minamahal na Punong Bayan, Atty. Cinderella Valenton-Reyes, Vice Mayor Remjelljan Humarang, mga miyembro ng Sangguniang Bayan, at lahat ng kawani ng lokal na pamahalaan sa kahanga-hangang tagumpay na ito ng ating mga batang atleta.
Ang tagumpay na ito ay hindi lamang panalo para sa kanilang paaralan kundi para sa buong Bayan ng Agoncillo. Patunay ito na ang sipag, tiyaga, at pagkakaisa ng ating mga kabataan ay kayang magdala ng karangalan sa ating bayan.
Congratulations sa ating Elementary Softball Team ng Subic Elementary School!
#MasMagandangAgoncillo
#MasMagandangSerbisyoPubliko
0 Comments