PARA SA PRODUKTIBONG SEKTOR NG AGRIKULTURA: PAGDRIWANG NG ANIBERSARYO NG AGONCILLO COCONUT FARMERS COOPERATIVE 🇵🇭✨






Bilang pagkilala at pagpapahalaga sa mahalagang papel ng sektor ng agrikultura sa patuloy na pag-unlad ng ating bayan, buong-pusong nakiisa ang Lokal na Pamahalaan ng Agoncillo sa pagdiriwang ng Anibersaryo ng ating Coconut Farmers Cooperative. 
Ang pagdiriwang na ito ay hindi lamang isang selebrasyon ng mga nakamit ng kooperatiba sa paglipas ng mga taon, kundi isang malinaw na patunay ng pagkakaisa, sipag, at determinasyon ng ating mga magsasaka sa pagtataguyod ng seguridad sa pagkain at kabuhayan sa ating komunidad.
Dinaluhan ang nasabing okasyon ng ating minamahal na Punong Bayan, Atty. Cinderella Valenton-Reyes, na patuloy na nagbibigay ng matibay na suporta sa mga programang naglalayong palakasin ang sektor ng agrikultura. Kasama rin sa pagdiriwang ang Kagalang-galang na Sangguniang Bayan Member, Kgg. Jayjay Balba, ang Pambayang Agrikultor na si Ms. Olive Mirasol, at ang masisipag at dedikadong kawani ng Municipal Agriculture Office ng Agoncillo, na walang sawang naglilingkod upang matiyak ang kapakanan at kaunlaran ng ating mga magsasaka.
Ang pakikiisa ng Lokal na Pamahalaan sa ganitong mga makabuluhang gawain ay nagpapakita ng matibay na paninindigan nito na patuloy na suportahan ang mga kooperatiba bilang mahalagang katuwang sa pagpapaunlad ng agrikultura. 
Naniniwala ang pamahalaan na sa pamamagitan ng pinalakas na organisasyon ng mga magsasaka, mas epektibong naipatutupad ang mga programang magdudulot ng mas mataas na ani, mas maayos na kabuhayan, at mas matatag na ekonomiyang lokal.
Sa patuloy na pagtutulungan ng pamahalaan at ng Coconut Farmers Cooperative, inaasahan ang higit pang mga inisyatibo at programang magpapalakas sa sektor ng agrikultura at magbibigay ng mas maliwanag na kinabukasan para sa ating mga magsasaka at sa buong bayan ng Agoncillo.
#MasMagandangAgoncillo
#MasMagandangSerbisyoPubliko

Post a Comment

0 Comments