PAKIKILAHOK AT PAGSUPORTA NG LOKAL NA PAMAHALAAN NG AGONCILLO SA CLOSED SEASON NG TAWILIS🇵🇭✨





Buong suporta ang ipinapakita ng Lokal na Pamahalaan ng Agoncillo sa pagpapatupad ng Closed Season ng Tawilis na gaganapin mula Marso 1 hanggang Abril 30, 2026.
Kasama sa pakikilahok ang ating butihing Mayor Atty. Cinderella Valenton - Reyes, katuwang ang mga kinatawan mula sa Tanggapan ng Municipal Agriculture, Business Permit and Licensing Office (BPLO), at Philippine National Police (PNP) upang matiyak ang maayos at epektibong pagpapatupad ng naturang programa.
Layunin ng inisyatibong ito na mapangalagaan at mapanatili ang populasyon ng Tawilis sa Lawa ng Taal para sa susunod na henerasyon. Sama-sama tayong makiisa para sa kalikasan at kabuhayan ng ating mga mangingisda. 
Ang Tawilis ay hindi lamang isang isda na matatagpuan sa Lawa ng Taal. Ito ay bahagi ng ating pagkakakilanlan bilang mga taga-Agoncillo. Sa maraming taon, naging simbolo ito ng kabuhayan ng ating mga mangingisda, bahagi ng ating mga hapag-kainan sa mga pagtitipon, at isang yaman na ipinagmamalaki natin sa buong Batangas.
Ang pangangalaga sa Tawilis ay pangangalaga rin sa ating kultura, sa ating kabuhayan, at sa ating kinabukasan. Sa pamamagitan ng Closed Season, binibigyan natin ng panahon ang Tawilis na makapagparami upang masiguro na ito ay patuloy na mabubuhay at mapapakinabangan ng susunod na henerasyon.
#MasMagandangAgoncillo
#MasMagandangSerbisyoPubliko

Post a Comment

0 Comments