Inaanyayahan po ang lahat ng ating mga kababayan na nangangailangan ng serbisyo ng PSA lalo't higit sa National ID na makiisa at magtungo sa isinasagawang PhilSys National ID Registration and Verification na ginaganap ngayon sa V. Maligalig Legislative Building Conference Room.
Sa pangunguna ng tanggapan ng LCRO na pinamumunuan ni Ms. Karen Olvina, isinasagawa ang programang ito bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng Pamahalaan na mailapit ang mga serbisyong mahalaga sa bawat Agoncillian.
Hinihikayat ang lahat na samantalahin ang pagkakataong ito. Tara po! Parine na kayo!
Maraming salamat po at inaasahan namin ang inyong pakikiisa.
#MasMagandangAgoncillo
#MasMagandangSerbisyoPubliko
0 Comments