Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-77 Taong Anibersaryo ng pagkakatatag ng ating minamahal na Bayan ng Agoncillo, malugod po naming inaanyayahan ang lahat na tunghayan at makiisa sa gaganaping Mini Off-Road Competition sa darating na Marso 25, ganap na ika-10:00 ng umaga, sa Collantes Softball Field, Barangay Pansipit.
Ang patimpalak na ito ay bukas para sa iba’t ibang kategorya:
• Beginner & Open Enduro Category – 200cc Below (All Brands)
• Beginner & Open Enduro Category – 250cc Only (All Brands)
• Beginner & Open Enduro Underbone Category – 125cc (All Brands)
May nakalaang papremyo para sa mga magwawagi:
Champion – ₱3,000.00
2nd Place – ₱2,000.00
3rd Place – ₱1,000.00
Layunin ng paligsahang ito na maipamalas ang husay, tapang, at disiplina ng ating mga rider, gayundin ang pagpapatibay ng pagkakaisa at pakikipagkapwa sa komunidad.
Ay ano pa ga ang hinihintay?
Inaanyayahan ang lahat ng mahilig sa off-road at enduro na makiisa at magparehistro na❗️
Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan lamang sa Office of the Mayor o kay Ms. Dela Luna sa mga numerong nakasaad sa poster.
Aba'y sali na!
https://tinyurl.com/Mini-Off-Road-Competition
#MasMagandangAgoncillo
#MasMagandangSerbisyoPubliko
0 Comments