Isang karangalan para sa Bayan ng Agoncillo ang pagkakahalal kay Atty. Cinderella Valenton-Reyes bilang bagong Pangulo ng Batangas Province Alay Lakad Foundation.
Bukod sa kanyang panibagong tungkulin, siya rin ay kasalukuyang President ng Girl Scouts of the Philippines Batangas Council at ng Provincial Women’s Coordinating Council Batangas.
Patunay ito ng kanyang patuloy na dedikasyon sa paglilingkod hindi lamang sa ating bayan kundi pati sa buong lalawigan ng Batangas. Ang kanyang pamumuno ay nagsisilbing inspirasyon sa kababaihan at sa bawat Batangueño na maglingkod nang may malasakit, integridad, at tunay na pagmamahal sa komunidad.
Congratulations po, Mayor Atty. Cinderella Valenton-Reyes! Patuloy po kaming sumusuporta sa inyong adhikain para sa mas maunlad at mas maayos na Batangas.
#MasMagandangAgoncillo
#MasMagandangSerbisyoPubliko
0 Comments