Taos-pusong pagbati at pagpupugay sa ating minamahal na Punong Bayan, Atty. Cinderella Valenton-Reyes, sa kanyang muling pagkakahalal bilang Pangulo ng Provincial Women’s Coordinating Council.
Ang muling pagtitiwalang ito ay isang malinaw na patunay na ang kahusayan at dedikasyon ni Atty. Cindy sa paglilingkod ay hindi lamang nasasaksihan sa antas ng ating bayan, kundi lalo pang kinikilala at pinahahalagahan sa buong lalawigan. Siya ay patuloy na pinagkakatiwalaan hindi lamang bilang isang lider, kundi bilang isang inspirasyon at tinig ng bawat kababaihan sa Batangas.
Sa kanyang pamumuno, higit pang mapagtitibay ang mga programang naglalayong itaguyod ang karapatan, kapakanan, at pag-unlad ng kababaihan, mula sa mga inisyatibong pangkabuhayan, pangkalusugan, hanggang sa pagpapalakas ng kanilang papel sa lipunan at pamayanan.
Ang tagumpay na ito ay sumasalamin sa kanyang walang sawang pagsusumikap na maglingkod nang may malasakit, integridad, at malinaw na layunin para sa mas inklusibo at mas maunlad na kinabukasan para sa lahat.
Muli, congratulations po, Atty. Cinderella Valenton-Reyes!
Nawa’y magpatuloy ang inyong makabuluhang pamumuno at mas marami pang kababaihan ang inyong magabayan at mapaglingkuran sa buong lalawigan.
#MasMagandangAgoncillo
#MasMagandangSerbisyoPubliko
0 Comments