Ipinapaabot ng Sangguniang Bayan ng Agoncillo ang mga hakbang na isinagawa upang tugunan ang patuloy na suliranin sa suplay ng tubig sa ating bayan. Kabilang dito ang mga sumusunod:
1. Pagsusuri sa Joint Venture Agreement - Inaral at sinuri ng Sanggunian ang kasunduan sa pagitan ng PrimeWater, Inc. at Agoncillo Water District, lalo na sa gitna ng oposisyon ng publiko.
2. Pagsasagawa ng mga Pagpupulong - Nagsagawa ng ilang pagpupupulong sa mga kinauukulan ng PrimeWater, bagama’t ilang pagkakataon ay hindi natuloy dahil sa hindi pagkakatugma ng iskedyul.
3. Pagbibigay ng Resolusyon para sa ECC - Naglabas ang Sanggunian ng resolusyon na nag-eendorso sa aplikasyon ng PrimeWater para sa Environmental Compliance Certificate (ECC) upang suportahan ang pagpapatupad ng proyekto para sa mas maayos na serbisyo.
4. Muling Pag-anyaya sa PrimeWater noong 2025 - Sa patuloy na paglala ng serbisyo, muling inanyayahan ang management ng PrimeWater upang ipaliwanag ang mga isyu. Dahil nangangailangan ito ng pag-apruba mula sa kanilang head office, minabuti na imbitahan ang Top-Level Management at Legal Team ng PrimeWater.
5. Pagpaplano ng Pulong sa Top-Level Management at Legal Team ng PrimeWater - Pinagplanuhan ang isang pulong kasama ang Mayor, Vice Mayor, at mga miyembro ng Sanggunian upang repasuhin ang kontrata, partikular ang mga paglabag sa ilang probisyon. Subalit, hindi ito natuloy muli dahil hindi makakadalo ang mga representante ng PrimeWater.
6. Pagpapatuloy ng Aksyon noong Enero 5, 2026 - Pinagtibay ng 23rd Sangguniang Bayan ang desisyon na muling anyayahan ang top management at legal team ng PrimeWater upang ituloy ang matagal nang naudlot na pulong.
7. Pagtatalaga ng Petsa para sa Pulong - Itinakda ang pulong sa Enero 26, 2026, at magbibigay ng abiso sa publiko tungkol sa detalye ng pagpupulong at ito ay magiging bukas sa pakikilahok ng lahat ng Agoncillians.
Ang aming pananagutan ay malinaw: pakinggan, aksyunan, at tiyakin ang maayos na suplay ng tubig para sa kapakanan ng bawat Agoncillian.
#MasMagandangAgoncillo
#MasMagandangSerbisyoPubliko
0 Comments