Kaninang umaga ay isinagawa ang pormal na Blessing ng bagong gusali ng ating Lokal na Pamahalaan na pinangunahan ni Rev. Fr. Jay Encarnacion, kasama ang ating minamahal na Punong Bayan, Atty. Cinderella Valenton-Reyes, at ang ating Pambayang Administrador, Dr. Noel Mendoza.
Masayang nakiisa sa makabuluhang seremonyang ito ang mga kinatawan at kawani mula sa iba’t ibang National Agencies na gagamit ng nasabing gusali tulad ng DILG Agoncillo, DTI Agoncillo,Post Office Agoncillo, COA Agoncillo, 4P’s Agoncillo, at COMELEC Agoncillo.
Ang bagong gusaling ito ay hindi lamang istruktura ng pag-unlad, kundi sagisag ng patuloy na pangako ng ating Lokal na Pamahalaan na pagandahin at paunlarin ang kalidad ng serbisyong ipinagkakaloob sa bawat Agoncillian. Bunga ito ng sama-samang pagsisikap, pagtutulungan, at tunay na malasakit para sa bayan.
At habang nagpapatuloy ang pagbabago at pag-unlad, nananatili nating yakap ang panatang nagbubuklod sa atin, ang “Mas Magandang Agoncillo, Mas Magandang Serbisyo Publiko.”
#paglilingkodngtapatsadiyosatsabayan
#MasMagandangAgoncillo
#MasMagandangSerbisyoPubliko
0 Comments