Tunay na maaasahan, mapagkakatiwalaan, at lubos na iginagalang ang mga Parent Leaders ng bayan ng Magandang Agoncillo Batangas. Patuloy nilang pinatutunayan na ang kanilang paglilingkod ay tapat, taos-puso, at nakatuon sa kapakanan ng komunidad. Bilang patunay nito, muling lumahok ang 39 na Parent Leaders sa Gawad Kalinga (GK) Builders Forum na ginanap noong Disyembre 4, 2025 sa Graciano Alcantara SB Session Hall, Maligalig Legislative Building, Poblacion, Agoncillo, Batangas.
Ang naturang pagsasanay ay idinaos upang higit pang palalimin ang diwa ng volunteerism sa komunidad. Isang mahalagang haliging nagsisilbing gabay sa bawat PL. Layunin nitong hubugin hindi lamang ang kanilang kaalaman, kundi maging ang kanilang puso at isip, upang patuloy silang maging inspirasyon at sandigan ng kanilang mga pamayanan.
#DSWD #4ps #PantawidPamilyangPilipinoProgram #GawadKalinga #volunteerism
0 Comments