BDO NETWORK BANK AGONCILLO, BINUKSAN NA PARA SA PUBLIKO🇵🇭✨





Isang makabuluhang araw para sa Bayan ng Agoncillo ang naganap ngayong araw sa pormal na pagbubukas ng BDO Network Bank Agoncillo Branch. 

Nakiisa sa isinagawang blessing at opening ceremony ang ating minamahal na Punong Bayan, Atty. Cinderella Valenton-Reyes, bilang pagpapakita ng buong-suportang pagtangkilik ng Lokal na Pamahalaan sa mga bagong serbisyong maghahatid ng kaunlaran sa ating komunidad.

Sa kanyang pakikiisa, binigyang-diin ng ating Punong Bayan ang kahalagahan ng pagkakaroon ng karagdagang institusyong pinansyal sa bayan, isang hakbang tungo sa mas pinalawak na oportunidad para sa kabuhayan, pagnenegosyo, at mas madaling pag-access sa mga serbisyong pampinansyal para sa bawat Agoncillians.

Hinihikayat po natin ang ating mga kababayan na suportahan at bisitahin ang bagong bukas na sangay ng BDO Network Bank. Nawa’y magsilbi itong instrumento upang mas umunlad ang personal na kaperahan, negosyo, at pangarap ng bawat isa.

Tara ho! Punta po kayo sa BDO Network Bank Agoncillo.

#MagandangAgoncillo

#MagandangSerbisyoPubliko

Post a Comment

0 Comments