TINGNAN | MAYOR REYES DUMALO SA HUNTAHAN AT KAPEHAN PARA SA MATATAG NA PAMPUBLIKONG AKLATAN πŸ‡΅πŸ‡­✨






Isang malaking karangalan para sa ating bayan ang maging bahagi ng “HUNTAHAN AT KAPEHAN PARA SA MATATAG NA PAMPUBLIKONG AKLATAN: Vision and Support for Readers” na ginanap sa Batangas Provincial Library, Batangas City. 
Ang nasabing pagtitipon ay naglalayong mapagtibay ang adbokasiya sa mas makabuluhan, inklusibo, at matatag na mga pampublikong aklatan na magsisilbing sentro ng kaalaman at oportunidad para sa bawat mamamayan.
Lubos ang ating pasasalamat at paghanga sa ating minamahal na Punong Bayan, Atty. Cinderella Valenton-Reyes, na siya ring nag-iisang Mayor na dumalo sa mahalagang pagpupulong. Kasama niya si Ma’am Patty Ocampo, na patuloy na sumusuporta sa mga programang pang-edukasyon at pang-kultura ng ating komunidad. 
Ang kanilang presensya ay patunay ng matatag na dedikasyon ng ating lokal na pamahalaan sa pagtataguyod ng literasiya, edukasyon, at pagbabasa bilang pundasyon ng maunlad at mabisang pamayanan.
Nawa’y magsilbing inspirasyon ang kanilang aktibong pakikilahok upang mas paigtingin pa ang mga inisyatibo para sa pagpapalakas ng ating itatayong aklatan at paghubog sa isang henerasyong mapanuri, mapanlikha, at mapagmahal sa kaalaman. 
Sama-sama nating isulong ang kinabukasang may mas malawak na akses sa impormasyon, oportunidad, at kaunlaran.
#MagandangAgoncillo
#MagandangSerbisyoPubliko

Post a Comment

0 Comments