TAPAT AT MAHUSAY NA PAGLILINGKOD PARA SA MGA AGONCILLIAN 🇵🇭✨





Dumalo bilang panauhing tagapagsalita si Governor Vilma Santos-Recto sa ikalawang araw ng Public Financial Management Competency Program for Local Government Units (LGUs) – Session Plan Phase II kahapon sa Sotogrande Hotel and Convention Center, Bauan, Batangas.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ng Gobernador ang mahahalagang tungkulin ng mga kawani ng lokal na pamahalaan sa larangan ng pampinansyal na pamamahala at ang malaking ambag nila sa pagpapatatag ng tuloy-tuloy at napapanatiling pag-unlad ng kani-kanilang LGU. 

Kanyang ipinunto ang kahalagahan ng transparency at accountability sa pamamalakad ng pondo ng bayan, at ang pagsunod sa mga umiiral na alituntunin upang matiyak ang episyenteng financial management at mabuting pamamahala.

Dumalo din sa programa ang ating minamahal na Punong Bayan, Atty. Cinderella Valenton-Reyes, kasama ang Finance Committee ng Lokal na Pamahalaan ng Agoncillo, bilang pagpapakita ng kanilang suporta at patuloy na pagsusumikap na mapalakas pa ang mga mekanismo para sa mas mahusay na pamamahala ng pondo ng ating bayan.

#MagandangAgoncillo

#MagandangSerbisyoPubliko

Post a Comment

0 Comments