Ipinagpatuloy ni Mayor Cindy Reyes ang kanyang aktibong pakikilahok sa mga proyekto na magsusulong ng kaunlaran sa ating bayan. Kabilang sa mga binisita ni Mayor ang mga kasalukuyang proyekto ng DPWH sa Sitio Sandal na Bato sa Subic Ilaya at Sitio Centro sa Bilibinwang. Kasama niyang bumisita ang ating Pambayang Administrador, Dr. Noel Mendoza, MDRRMO-Sir Junfrance De Villa, PIO-Sir Christian Dave Luya at BPLO-Ma'am Mercy Punzalan.
Ayon kay Mayor Cindy, ang mga proyektong ito ay magsisilbing malaking tulong sa ating mga Agoncillians, kaya't umaasa siyang ang mga ito ay maisasakatuparan ng buong tibay at kalidad para sa kapakanan ng lahat.
Patuloy ang pagtutok ni Mayor Cindy sa mga inisyatibong makikinabang ang bawat isa sa ating komunidad. Kaagapay niya dito si Engr. Christian Mendoza mula sa DPWH.
Kasama ng bawat mamamayan ng Agoncillo, Dasal rin ng ating butihing Punong Bayan na ang mga ito ay matapos na ng maayos, malinis at matibay.
#MagandangAgoncillo
#MagandangSerbisyoPubliko
0 Comments