Bilang tugon sa nagdaang kalamidad at sa layuning masiguro ang mabilis, tapat, at epektibong serbisyo sa mamamayan, isinagawa ng Pamahalaang Bayan ang Rapid Damage and Needs Assessment (RDANA) upang masusing matukoy ang antas ng pinsala, pangangailangan, at mga nararapat na hakbang para sa agarang pagbangon ng ating komunidad.
Pinangunahan ito ni Atty. Cinderella Valenton-Reyes, ating kagalang-galang na Punong Bayan, kasama si Atty. Remjelljan Humarang, Pangalawang Punong Bayan, si Kgg. Kidlat Caringal, Pambayang Administrador Dr. Noel Mendoza, at ang ating mga Department Heads.
Sama-sama nilang sinuri ang mga apektadong sektor matapos ang pananalasa ng Bagyong UWAN. Ito ay upang matiyak na ang lahat ng sektor gaya ng kabahayan, agrikultura, imprastraktura, at serbisyong panlipunan ay mabibigyang-pansin at matutugunan nang naaayon.
Layunin ng RDANA na makabuo ng malinaw na batayan para sa pagpaplano ng mga programang pang-rehabilitasyon at pagbangon, gayundin ang pagtukoy ng mga best practices ng ating Lokal na Pamahalaan sa pagtugon sa mga kalamidad.
Nasa pagpupulong din ang mga kinatawan ng PNP, BFP at PCG Agoncillo na aktibong nagbahagi ng kanilang mga ideya at plano lalo na sa usapin ng kalamidad.
Ang ganitong hakbang ay patunay ng patuloy na malasakit at pagkilos ng ating liderato upang mapangalagaan ang kaligtasan, kapakanan, at kinabukasan ng bawat mamamayan. Sa ilalim ng matatag na pamumuno ng ating Punong Bayan, nawa’y magpatuloy ang diwa ng bayanihan at pagtutulungan tungo sa isang mas matatag at maayos na Agoncillo.
#MagandangAgoncillo
#MagandangSerbisyoPubliko
0 Comments