SARAP, HUSAY AT LINAMNAM:TAWILIS COOKFEST 2025🇵🇭✨�





Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Tawilis Festival 2025, matagumpay na isinagawa ang Tawilis Cookfest 2025, isang makabuluhang patimpalak na layuning itampok ang kahusayan, pagkamalikhain, at pagmamahal ng mga mamamayan ng Agoncillo sa sariling lutuing Pilipino.
Sa nasabing patimpalak, 21 barangay ng Bayan ng Agoncillo ang nagtagisan ng galing sa paghahanda ng mga natatanging putahe na ang pangunahing sangkap ay ang ipinagmamalaking isdang Tawilis , isang likas na yaman ng Lawa ng Taal at simbolo ng pagkakakilanlan ng ating bayan.
Ang aktibidad na ito ay hindi lamang isang paligsahan sa pagluluto, kundi isang paraan upang mapangalagaan at maipagmalaki ang kulturang kulinaryo ng Agoncillo, gayundin upang hikayatin ang mga susunod na henerasyon na pahalagahan ang lokal na produkto at mga tradisyon ng ating komunidad.
Lubos na pasasalamat sa Feedmix Specialist Inc. II sa kanilang suporta at pakikiisa sa adhikain ng pamahalaang bayan upang patuloy na buhayin at palawakin ang mga programang nagtataguyod ng turismo, agrikultura, at kabuhayan ng ating mga mamamayan.
Mabuhay ang mga kalahok mula sa bawat barangay, at nawa’y magsilbi itong inspirasyon upang higit pang pagyamanin ang ating pagmamahal sa Tawilis at sa bayan ng Agoncillo!
#MagandangAgoncillo
#MagandangSerbisyoPubliko
Photo | JRM Studio

Post a Comment

0 Comments