MAS PINALAPIT ANG SERBISYO: MOBILE CRVS OUTLET NG PSA, DUMATING SA AGONCILLO 🇵🇭✨






Bilang bahagi ng patuloy na adbokasiya ng Lokal na Pamahalaan ng Bayan ng Agoncillo na mailapit ang mga pangunahing serbisyo ng pamahalaan sa ating mga mamamayan, matagumpay na isinagawa ang Mobile Civil Registration and Vital Statistics (CRVS) Outlet ng Philippine Statistics Authority dito sa ating bayan.
Layunin ng nasabing aktibidad na mas mailapit sa publiko ang mga serbisyong kaugnay sa pagproseso ng mga dokumentong sibil gaya ng birth certificate, marriage certificate, death certificate, at iba pang mahalagang dokumento. Nabigyang pagkakataon din ang ating mga kababayan na makapag-parehistro sa National ID.
Sa pamamagitan ng mobile outlet, hindi na kinakailangang bumiyahe pa sa malalayong tanggapan ang mga mamamayan upang makuha o maiproseso ang kanilang mga dokumento, tunay na isang hakbang patungo sa mas madali, mabilis, at abot-kayang serbisyo publiko.
Abangan ang susunod na Abiso ng tanggapan ng Local Civil Registrar ukol sa susunod na CRVS ng PSA sa ating bayan.
#MagandangAgoncillo
#MagandangSerbisyoPubliko

Post a Comment

0 Comments