KABABAYAN, DAPAT ALAM MO: PAGDIRIWANG NG NATIONAL RICE AWARENESS MONTH NGAYONG NOBYEMBRE🍚🌾🇵🇭✨





Ngayong Nobyembre, ipinagdiriwang natin ang National Rice Awareness Month, isang pagkakataon upang bigyan ng dagdag na pansin ang kahalagahan ng ating pangunahing pagkain, ang bigas.  Sa pagdiriwang na ito, nais ng Lokal na Pamahalaan ng Agoncillo na muling ilahad ang kahalagahan ng bigas sa ating kultura, ekonomiya, at kalusugan.
Sa pangunguna ni Atty. Cinderella Valenton-Reyes, Punong Bayan, at ng ating Pangalawang Punong Bayan na si Atty. Remjelljan Humarang, kasama ang buong Sangguniang Bayan, Pambayang Administrador na si Dr. Noel Mendoza, mga pinuno ng mga departamento, at lahat ng kawani, tayo po ay buong pusong nakikiisa sa makabuluhang selebrasyong ito.
Ang sama-samang pagkilos na ito ay nagpapakita ng ating kolektibong pagpapahalaga sa bigas bilang susing elemento ng pambansang seguridad sa pagkain at bilang simbolo ng ating pagka-Pilipino.
Bilang mamamayan ng Agoncillo, tayo ay hinihikayat na maging mas maalam at mas mapanagot sa paggamit at pag-aalaga ng bigas. Narito ang ilang hakbang na maaari nating gawin:
1.Suportahan ang lokal na magsasaka – Bilhin ang bigas mula sa mga lokal na magsasaka upang mapaunlad ang ating agrikultura at matulungan ang ating mga kababayan.
2. Iwasang sayangin ang bigas – Planuhin ang wastong dami ng pagluluto at iimbak ito nang maayos upang hindi masasayang.
3.Palaganapin ang kamalayan – Ibahagi ang mga kaalaman tungkol sa kahalagahan ng bigas sa ating pamilya at komunidad at maging tagapagtaguyod ng responsableng konsumo.
4.Makibahagi sa programa – Sumali sa mga aktibidad at inisyatibo ng lokal na pamahalaan na may kaugnayan sa seguridad sa pagkain at agrikultura.
Sa pamamagitan ng munting pagkilos ng bawat isa, makakalikha tayo ng malaking pagbabago: magiging mas matatag ang ating komunidad, mas masigla ang ating lokal na agrikultura, at mas maayos ang ating kinabukasan.
Mabuhay ang National Rice Awareness Month 2025! 
Dapat tayo ay RICEponsible🇵🇭✨
#MagandangAgoncillo
#MagandangSerbisyoPubliko

Post a Comment

0 Comments