HUSAY NG PAMILYANG AGONCILLIAN, KINILALA SA BUONG LALAWIGAN 🇵🇭✨





Isang malaking karangalan para sa Bayan ng Agoncillo ang muling maiangat ang pangalan nito sa larangan ng pagpapatatag ng matitibay, disiplinado, at huwarang sambahayan. Ngayong araw, ipinagmalaki ng ating komunidad ang Pamilyang Humarang ng Barangay Balangon matapos kilalanin bilang Natatanging Pamilyang Batangueño 2025 sa ginanap na 27th Gawad Parangal – Huwarang Pamilyang Batangueño 2025, na isinagawa sa DREAM Zone, Capitol Site, Batangas City.
Ang naturang gawad parangal, na inihandog ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas sa pamamagitan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), ay layuning kilalanin at parangalan ang mga pamilyang nagsisilbing inspirasyon, ilaw, at sandigan ng kani-kanilang komunidad,mga pamilyang tunay na sumasalamin sa katatagan, malasakit, at pagbibigkis ng bawat Batangueño.
Sa pangunguna nina G. Julian at Gng. Julieta Humarang, ipinakita ng Pamilyang Humarang ang kahalagahan ng pagkakaisa, pagtutulungan, at patuloy na pakikilahok sa mga programang pangkaunlaran ng kanilang barangay at bayan. 
Ang kanilang tagumpay ay hindi lamang parangal sa kanilang pamilya, kundi patunay rin sa tibay ng pamilyang Agoncillians.
Naroon din upang magbigay-suporta at makiisa sa pagdiriwang ang ating masipag at minamahal na Punong Bayan, Atty. Cinderella Valenton-Reyes, kasama ang iba pang mga opisyal ng Panlalawigan, pinangungunahan ni Provincial Administrator Atty. Joel Montealto bilang kinatawan ni Governor Vilma Santos-Recto, Chief of Staff Mr. Pedrito Martin Dijan, Vice Governor DoDo Mandanas, mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan, at Alitagtag Mayor Jo-Ann Ponggos.
Muli, isang maalab na pagbati sa Pamilyang Humarang, ang Natatanging Pamilyang Batangueño 2025. Nawa’y magsilbi kayong inspirasyon sa mas marami pang sambahayan, at patuloy ninyong patatagin ang pundasyon ng isang maunlad, makatao, at makapamilyang Batangas.
Mabuhay ang pamilyang Agoncillian!
Mabuhay ang Magandang Agoncillo!
Mabuhay ang Matatag na Batangas!
#MagandangAgoncillo
#MagandangSerbisyoPubliko

Post a Comment

0 Comments