MALIGAYANG KAARAWAN, MAYOR CINDY 🇵ðŸ‡✨
Sa ngalan ng buong Bayan ng Agoncillo, kami ay nagkakaisang bumabati sa aming minamahal, mahusay, at tapat na lingkod-bayan, ang ating Mamsy at tunay na Ina ng Bayan ng Magandang Agoncillo na si Atty. Cinderella Valenton-Reyes, sa pagdiriwang ng kanyang ika-limampung taong kaarawan.
Limampung taon ng makulay na buhay, puno ng karanasan, tagumpay, at inspirasyon. Marami sa mga pinakamahalagang kabanata nito ay iniaalay mo sa paglilingkod para sa kapakanan ng ating bayan. Ang iyong pamumuno ay patunay ng tunay na malasakit, katapatan, at integridad. Sa bawat proyekto, programa, at desisyon, dama ng bawat Agoncillians ang iyong puso para sa bayan ng Agoncillo. Isang pusong may malasakit, may pag-alalay tungo sa tamang direksyon, at may pagmamahal na hindi mapapantayan.
Maraming salamat, Mayor Cindy, sa walang sawang pagtupad sa iyong tungkulin, sa pagpaparamdam na sa Agoncillo, tunay na Maganda ang Serbisyo Publiko. Ang iyong liderato ay nagsisilbing ilaw at inspirasyon hindi lamang sa kasalukuyan, kundi sa mga susunod pang henerasyon ng mga mamamayan at lingkod-bayan.
Nawa’y patuloy kang pagpalain ng Maykapal ng kalusugan, kalakasan, at karunungan upang maipagpatuloy ang iyong adhikain para sa isang mas maunlad, mas disiplinado, at mas nagkakaisang Agoncillo.
Muli, maligayang ika-50 kaarawan, Atty. Cinderella Valenton-Reyes, isang huwarang lider, mapagmahal na anak ng Agoncillo, at tunay na ehemplo ng tapat na serbisyo publiko. Mahal na mahal po namin kayo!❤️
#MagandangAgoncillo
#MagandangSerbisyoPubliko
0 Comments