TAYO PARA SA BATA: BLUE FRIDAY, IPINATUTUPAD NG LOKAL NA PAMAHALAAN NG AGONCILLO BILANG BAHAGI NG PAGDIRIWANG NG NATIONAL CHILDRENS MONTH🇵🇭✨
Sa ngalan ng makabuluhang pakikilahok ng lokal na pamahalaan ng Agoncillo sa pagdiriwang ng National Children’s Month ngayong 2025, taos-pusong isinasagawa natin ang “Blue Friday” bilang panata at pagkilos para sa mga kabataang Pilipino. Sa temang “OSAEC-CSAEM Wakasan: Kaligtasan at Karapatan ng Bata, Ipaglaban!"
Sa paraang ito ating itinataguyod hindi lamang ang makulay na pag-diriwang, kundi ang masiguro ang isang ligtas, may pagkakataon, at karapatang kinabukasan para sa bawat bata.
Sa bawat kulay asul na isinusuot natin at sa bawat event na ating isinasagawa ngayong sa buong buwan, ipinapahayag natin ang ating paninindigan na huwag hayaang magkaroon ng anumang uri ng pang-aabuso, pagkakait ng karapatan at pagpapabaya sa bawat bata!
Dahil ang bawat Batang Agoncillian ay mahalaga at mahal ng lipunan! 💙
Mga kababayan, Tara na at Makiisa!
Dapat #BlueKadaBiyernes🩵
#MagandangAgoncillo
#MagandangSerbisyoPubliko
#BuwanNgMgaBata
#EndOSAECCSAEM
#SafeSpacesForChildren
0 Comments