BAGONG AMA NG KAPULISAN: LOKAL NA PAMAHALAAN, KINILALA ANG BAGONG HEPE NG ATING KAPULISAN NA SI PMAJ JOHN GLENN SABLAN 🇵🇭✨






Isang mainit na pagtanggap ang ipinagkaloob ng Pamahalaang Bayan ng Agoncillo sa bagong talagang Hepe ng Agoncillo Municipal Police Station, si Police Major John Glenn Sablan.
Pinangunahan ng ating kagalang-galang na Punong Bayan, Atty. Cinderella Valenton-Reyes, ang naturang pagtitipon bilang tanda ng buong suporta ng lokal na pamahalaan sa ating kapulisan. Kasama rin sa nasabing salubong sina Sangguniang Bayan Member Atty. Tagay Sarah Mendoza, at mga Department Heads na sina Ma’am Josalyn Cortez (MSWDO), Sir Junfrance De Villa, (MDRRMO) at Sir Christian Dave Luya (PIO). Naroon din ang Hepe ng BFP Agoncillo na si Sir David Landicho, at ang mga masisipag na miyembro ng Agoncillo Municipal Police Station.
Sa kanilang pag-uusap, binigyang-diin ni Atty. Cindy ang kahalagahan ng pagkakaisa at koordinasyon ng lokal na pamahalaan at ng kapulisan upang mapanatili ang kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan sa buong bayan ng Agoncillo. 
Kanyang ipinaabot ang buong tiwala at suporta sa pamumuno ni PMAJ Sablan, at ang paniniwalang sa ilalim ng kanyang pangangasiwa, ay higit pang mapapaigting ang mga programang pangseguridad at serbisyong pampubliko.
Malugod namang nagpasalamat si PMAJ Sablan sa mainit na pagtanggap ng lokal na pamahalaan at nangakong ipagpapatuloy ang tapat, disiplinado, at makataong serbisyo ng kapulisan sa bayan.
Ang Pamahalaang Bayan ng Agoncillo ay nananatiling “Tapat sa Diyos at sa Bayan,” at buong pusong nakikiisa sa ating kapulisan sa pagsusulong ng isang mapayapa, ligtas, at maunlad na komunidad. 
Muli, Maligayang Pagdating sa Bayan ng Agoncillo, PMAJ Sablan! ❤️
#MagandangAgoncillo
#MagandangSerbisyoPubliko

Post a Comment

0 Comments