ABISO PUBLIKO | BE SAFE AGONCILLIANS🇵🇭✨


Magandang gabi po sa ating lahat❗️

Kasalukuyan na po nating nararanasan ang matinding epekto ng Bagyong Uwan, na may dalang malakas na pag-ulan at malalakas na ihip ng hangin. 

Dahil dito, mahigpit pong ipinapaalala ng Pamahalaang Bayan ng Agoncillo sa lahat ng ating mga kababayan na maging mapagmatyag, mag-ingat, at manatili sa loob ng kani-kanilang tahanan hangga’t maaari.

Iwasan po nating lumabas kung hindi naman kinakailangan upang maiwasan ang anumang aksidente o panganib dulot ng masamang panahon. Tiyakin din po nating nakaantabay ang bawat pamilya sa mga opisyal na anunsyo mula sa Pamahalaang Bayan ng Agoncillo, PDRRMO Batangas, at PAGASA para sa mga pinakabagong update tungkol sa lagay ng panahon.

Kung sakaling mangailangan ng agarang tulong o may emergency na sitwasyon, maaari po nating tawagan ang mga numerong nakasaad sa post na ito.

Keepsafe Agoncillians!

#MagandangAgoncillo

#MagandangSerbisyoPubliko

Post a Comment

0 Comments