TINGNAN | Philippine Uniformed Services Sports League (PUSSL), ginanap sa Bayan ng Agoncillo kahapon. 🇵ðŸ‡✨
Isang makabuluhang kaganapan ang isinagawa sa Bayan ng Agoncillo noong Oktubre 1, 2025, sa Carasucho’s Field, Barangay San Jacinto, kung saan ginanap ang Philippine Uniformed Services Sports League.
Layunin ng nasabing liga na palakasin ang ugnayan, pagkakaisa, at pagkakaibigan sa hanay ng ating mga uniformed services sa pamamagitan ng palakasan. Naging kalahok sa paligsahan ang mga kinatawan mula sa Philippine Army, Philippine Navy, at Philippine Coast Guard, na nagpakita ng kahusayan, disiplina, at determinasyon sa iba’t ibang larangan ng isports na "Softball".
Ang Bayan ng Agoncillo, sa pangunguna ng ating minamahal na Punong Bayan, Atty. Cinderella Valenton-Reyes ay taus-pusong nagpapasalamat sa lahat ng kalahok at mga opisyal na nagtaguyod ng nasabing programa. Tunay na ang pagkakaisa ng ating uniformed services ay isang matibay na haligi sa pagpapanatili ng kapayapaan, kaayusan, at pagkakaisa sa ating lipunan.
#MagandangAgoncillo
#MagandangSerbisyoPubliko
0 Comments