INKLUSIBO, DETERMINADO, POSITIBO: ATTY. CINDERELLA REYES, AKTIBONG NAKILAHOK SA PAGDIRIWANG NG IKA-100 ANIBERSARYO NG SDO BATANGAS PROVINCE KAHAPON πŸ‡΅πŸ‡­✨




INKLUSIBO, DETERMINADO, POSITIBO: ATTY. CINDERELLA REYES, AKTIBONG NAKILAHOK SA PAGDIRIWANG NG IKA-100 ANIBERSARYO NG SDO BATANGAS PROVINCE KAHAPON πŸ‡΅πŸ‡­✨

Isang makasaysayang pagdiriwang ang ginanap sa R. Mandanas Dream Zone, Provincial Capitol, Batangas City bilang paggunita sa Ika-100 Taong Anibersaryo ng Schools Division Office (SDO) Batangas Province. 

Kaisa ng pamayanang pang-edukasyon, aktibong dumalo at nakibahagi si Mayor Reyes bilang tanda ng kanyang buong-suportang pakikiisa sa ating mga guro at tagapagturo na patuloy na gumagabay sa kaalaman at kinabukasan ng kabataan.

Isa sa mga tampok ng programa ay ang pagbibigay pugay sa mga Guro at naging guro sa ating pamayanan. Isa dito ay mula sa Agoncillo, at Ina ng ating Municipal Accountant. Si Ma'am Rosela P. Alcedo mula sa Barangay Bangin na nagsisilbing inspirasyon sa kaguruan ng ating lalawigan.

Sa kanyang pagdalo, ipinahayag ni Mayor Reyes at ng iba pang mga Punong Bayan sa ating lalawigan ang mataas na pagpapahalaga sa sakripisyo at dedikasyon ng mga guro, na hindi lamang nagtuturo ng karunungan kundi nagsisilbing huwaran ng sipag, tiyaga, at malasakit. 

Ang kanilang ambag sa paghubog ng isipan at pagkatao ng bawat Agoncillians at mga BatangueΓ±o ay hindi matatawaran at mananatiling pundasyon ng isang mas maliwanag na kinabukasan para sa ating bayan at sa buong lalawigan.

Ang pagdiriwang na ito ay nagsilbing paalala na ang edukasyon ay isang makapangyarihang sandata tungo sa kaunlaran, at ang suporta ng pamahalaang lokal, katuwang ang mga institusyon pang-edukasyon, ay mahalaga upang higit pang mapaigting ang serbisyong pang-edukasyon para sa lahat.

Mula sa Bayan ng Agoncillo, ipinapaabot ni Mayor Reyes ang kanyang taos-pusong pagbati at pasasalamat sa lahat ng guro ng lalawigan ng Batangas lalo't higit sa mga Gurong Agoncillian.

#MagandangAgoncillo

#MagandangSerbisyoPubliko

Post a Comment

0 Comments