TINGNAN | BAYAN NG AGONCILLO, WAGI SA SEARCH FOR THE CLEANEST SLAUGHTER HOUSE SA BUONG LALAWIGAN 🇵ðŸ‡✨
Isang malaking karangalan ang muling iginawad sa ating bayan matapos masungkit ng Agoncillo ang Ikalawang Puwesto sa 2025 Search for the Cleanest Slaughterhouse sa Lalawigan ng Batangas.
Ang pagkilalang ito ay tinanggap ng ating masipag na Municipal Agriculturist, Ma’am Olive Mirasol, kahapon sa ginanap na seremonya sa Sec. Galicano Apacible Building, PAFES, Batangas City.
Lubos na kagalakan ang ipinaabot ng ating minamahal na Punong Bayan, Atty. Cinderella Valenton-Reyes, na nagbigay-diin na ang tagumpay na ito ay malinaw na patunay na ang Agoncillo ay hindi lamang nakikipagsabayan kundi patuloy na nagpapatunay ng kakayahan at disiplina sa larangan ng kalinisan, kaayusan, at tamang pamamahala hindi lamang sa mga bayan kundi maging sa mga lungsod sa buong Batangas.
Ang parangal na ito ay bunga ng sama-samang sipag, tiyaga, at malasakit ng bawat kawani ng ating lokal na pamahalaan, partikular ng Municipal Agriculture Office, at ng ating mga kababayan na patuloy na tumutulong upang mapanatili ang kalinisan at kaayusan sa ating pamilihan at slaughterhouse.
Patuloy nating tangkilikin ang ating slaughter house, ugaliin na dito magpakatay ng mga karne upang matiyak na malinis at maayos ang proseso.
Mabuhay ang bayan ng Agoncillo!
Patuloy tayong magsumikap para sa mas malinis, maayos, at maunlad na pamayanan na maipagmamalaki ng bawat Agoncillians.
#MagandangAgoncillo
#MagandangSerbisyoPubliko
0 Comments