𝗠𝗮𝗯𝗶𝗹𝗶𝘀 𝗻𝗮 𝗮𝗸𝘀𝘆𝗼𝗻, 𝗮𝗴𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗼𝗹𝘂𝘀𝘆𝗼𝗻.





𝗠𝗮𝗯𝗶𝗹𝗶𝘀 𝗻𝗮 𝗮𝗸𝘀𝘆𝗼𝗻, 𝗮𝗴𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗼𝗹𝘂𝘀𝘆𝗼𝗻.
Sang-ayon sa direktiba ni Governor Vilma Santos-Recto, kaagad tumugon at naghatid ng serbisyo ang mga kawani ng Provincial Engineer's Office (PEO), sa pangunguna ni Engr. Nerio Ronquillo, sa naputol na daan sa Agoncillo, Batangas.
Ayon kay Provincial Engineer Ronquillo, ito ay sanhi ng naging malakas na pag-ulan, na nagdulot ng matinding pagbaha na bumagtas sa nasabing daan at naging dahilan sa pagkaanod nito. 
Bukod dito, ang ibang kawani naman ng PEO ay agaran ding nagbigay-aksyon sa pamamagitan ng pagsasagawa ng clearing operation sa bypass road ng mga Bayan ng Lemery at Taal, Batangas. Kinailangan magsagawa ng naturang operasyon upang maalis ang volume ng putik at silted materials na bumalot sa daan na dulot pa rin ng pagbaha dahil sa malakas na ulan.
#MatatagNaBatangas
#MatatagAtLigtasNaBatangas
#TalinoAtPuso 
#GoVi

Post a Comment

0 Comments