Bilang bahagi ng patuloy na adhikain ng Pamahalaang Bayan ng Agoncillo na mapanatili ang kaayusan at kalinisan sa buong bayan, isinagawa ang isang pagpupulong ukol sa kalinisan ng mga pangunahing kalsada mula Barangay Subic Ilaya hanggang Barangay Banyaga, sa pangunguna ng ating minamahal na Punong Bayan, Atty. Cinderella Valenton-Reyes.
Layunin ng pagpupulong na pagtibayin ang koordinasyon at pagkakaisa ng bawat barangay sa pagpapanatili ng isang malinis, ligtas, at kaaya-ayang kapaligiran para sa lahat ng Agoncillian. Kabilang sa nasabing pagpupulong ang mga Punong Barangay ng Subic Ilaya, Bilibinwang, at Banyaga, na buong pusong nakipag-ugnayan at nagbahagi ng mga hakbang para sa mas epektibong implementasyon ng mga programa sa kalinisan.
Dumalo rin sa pagtitipon ang ilan sa mga pangunahing opisyal ng bayan, sina Ma'am Josalyn Cortez, Hepe ng MSWDO; Engr. Cesar Enriquez, Municipal Engineer; at MENRO Antonio Maligaya, na aktibong nagbahagi ng mga suhestiyon at plano upang higit pang mapaigting environmental discipline sa Agoncillo.
Sa pamumuno ni Mayor Cindy Reyes, patuloy na isinusulong ng Pamahalaang Lokal ng Agoncillo ang diwa ng “Sama-Sama sa Kalinisan”, isang panawagan para sa lahat ng mamamayan na makibahagi sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan ng ating kapaligiran. Sapagkat ang isang malinis na bayan ay repleksyon ng disiplinado, nagkakaisa, at maipagmamalaking komunidad.
#MagandangAgoncillo
#MagandangSerbisyoPubliko
0 Comments