Bilang bahagi ng patuloy na pagpapaigting ng kapayapaan, kaligtasan, at kaayusan sa ating komunidad, ang mga Barangay Tanod ng Poblacion, sa pangunguna ng kanilang Punong Barangay, Kgg. Andres Bonsol, ay sumailalim sa assessment para sa Regional Level, TOP Tanod o "Trailblazers for Outstanding Performance" Tanod award ng DILG.
Layunin ng nasabing pagsusuri na kilalanin at palakasin ang kakayahan ng ating mga tanod bilang unang tagapangalaga ng katahimikan at seguridad sa antas-barangay. Sa pamamagitan nito, higit pang napagtitibay ang kanilang kaalaman, disiplina, at kahandaan sa pagtugon sa mga sitwasyong pangkaayusan at pangkaligtasan.
Ang Lokal na Pamahalaan ng Agoncillo, sa pangunguna ng ating minamahal na Punong Bayan, Atty. Cinderella Valenton-Reyes, katuwang ang ating MLGOO Sir Abet Sandoval ay buong pusong sumusuporta sa mga ganitong inisyatibo na nagbibigay-pugay at pagkilala sa sakripisyo at dedikasyon ng ating mga Barangay Tanod na masasabi nating mga tahimik na bayani ng ating mga komunidad.
Tunay na kahanga-hanga ang ipinamalas na sipag, husay, at malasakit ng mga tanod ng Barangay Poblacion, na patuloy na nagsisilbing haligi ng katahimikan at kaayusan sa ating bayan.
Isang pagpupugay sa kanilang serbisyo at sa lahat ng Bantay ng Bayan na handang maglingkod para sa kapayapaan ng bawat Agoncillian!
#MagandangAgoncillo
#MagandangSerbisyoPubliko
0 Comments