Isang makulay at masiglang araw ng pagkakaisa, palakasan, at pagmamalaki sa lalawigan ng Batangas!
Ang Bayan ng Agoncillo, sa pangunguna ng ating masipag at minamahal na Punong Bayan Atty. Cinderella Valenton-Reyes, ay nakilahok sa 2025 Gov. Vilma Santos-Recto Unity Games na ginanap ngayong araw sa Batangas Province Events Center.
Ang nasabing paligsahan ay layuning pagtibayin ang samahan ng bawat bayan sa probinsya, palaganapin ang sportsmanship, at isulong ang pagkakaisa sa pamamagitan ng larangan ng palakasan. Bahagi ng makulay na pagdiriwang ang ating mga mga manlalaro mula sa Lokal na Pamahalaan ng Agoncillo na buong tapang at dedikasyon na sasabak sa Volleyball Girls at Basketball Boys .
Hindi rin nagpahuli sa ganda at kumpiyansa si Ms. Camei Pilac mula sa MSWDO na kumatawan bilang muse ng ating bayan, na siyang nagbigay kulay at kariktan sa pagbubukas ng palaro.
Dumalo rin sa nasabing aktibidad ang mga opisyal ng ating pamahalaang lokal na walang sawang sumusuporta sa ating mga atleta, sina Atty. Remjelljan Humarang, Pangalawang Punong Bayan; Konsehal Kidlat Caringal, Konsehal Jessie James Balba, at SKMFP John Mark Hernandez.
Sa pamamagitan ng pagkakaisang ito, muling ipinamalas ng Bayan ng Agoncillo na sa larangan man ng palakasan o sa anumang hamon, ang diwa ng bayanihan, disiplina, at pagkakaibigan ay patuloy na nagiging sandigan ng ating tagumpay.
Mabuhay ang ating mga atletang Agoncillians!
Mabuhay ang Lalawigan ng Batangas!
#MagandangAgoncillo
#MagandangSerbisyoPubliko
0 Comments