IBA'T- IBANG LAHI, IISANG LAYUNIN: MGA INTERNATIONAL VOLUNTEERS PARA SA PAGPAPATULOY NG PROYEKTO SA GAWAD KALINGA VILLAGE, DUMATING NA SA ATING BAYAN 🇵🇭✨




Isang mainit at taos-pusong pagtanggap ang iginawad ng Bayan ng Agoncillo, sa pangunguna ng ating masipag at minamahal na Punong Bayan Atty. Cinderella Valenton-Reyes, sa mga international volunteers na nagmula sa iba’t ibang panig ng mundo upang makiisa sa pagpapatuloy ng proyekto sa Gawad Kalinga Village sa Barangay Pamiga.

Ang kanilang pagdating ay patunay na sa kabila ng pagkakaiba-iba ng wika, kultura, at pinagmulan, iisa ang ating layunin at iyon ay ang magbigay ng pag-asa at tumulong sa pagbubuo ng mas matatag, maayos, at maunlad na komunidad para sa mga pamilyang Agoncillians.

Sa tulong ng mga dayuhang volunteers, Gawad Kalinga at sa patuloy na suporta ng lokal na pamahalaan, muling mapagtitibay ang diwa ng bayanihan at pagkakaisa. Tunay na inspirasyon ang kanilang dedikasyon sa serbisyo at malasakit, na nagsisilbing paalala na ang pagtulong ay walang hangganan at hindi nakikilala ng kulay, lahi, o bansa. 

Maraming Salamat po sa inyong pagdating sa aming Bayan! 

#MagandangAgoncillo

#MagandangSerbisyoPubliko

Post a Comment

0 Comments