MISYON NG BAGSIK: BATANGUEÑONG GRUPO SA SINING AT KULTURA O BAGSIK, NAGKALOOB NG HIGIT ₱63,000 PESOS SA BILIBINWANG ELEMENTARY SCHOOL.🇵🇭✨






Isang makabuluhang hakbang tungo sa pagpapaunlad ng sining, kultura, at edukasyon ang isinagawa ng Batangueñong Grupo sa Sining at Kultura (BAGSIK) matapos silang magkaloob ng mahigit ₱63,000 sa Bilibinwang Elementary School ngayong umaga.
Pinangunahan ni Sir Remo Valenton, tagapagtatag ng BAGSIK, ang personal na pag-abot ng tulong pinansyal sa nasabing paaralan. Ito ay isang patunay na ang sining ay hindi lamang para sa pagpapahayag ng ganda at talento, kundi isa ring mabisang daluyan ng kabutihang loob o pagtulong sa nangangailangan.
Matatandaan natin na ang Bilibinwang Elementary School ang pinaka naapektuhang paaralan noong nanalasa ang Bagyong Kristine.
 Ang nasabing halaga ay mula sa kinita ng kanilang matagumpay na Art Exhibit na ginanap noong Hulyo 21, 2025 sa Agoncillo Sub-Office Building.
Buong puso namang ipinahayag ng ating butihing Punong Bayan, Atty. Cinderella Valenton-Reyes, ang kaniyang labis na kagalakan at pasasalamat sa BAGSIK sa kanilang adhikaing makatulong sa ating mga kababayan, lalo na sa mga batang Agoncillian na patuloy na nagsusumikap makamit ang kanilang mga pangarap sa larangan ng edukasyon.
Maraming Salamat po sa bumubuo ng BAGSIK! 
#MagandangAgoncillo
#MagandangSerbisyoPubliko

Post a Comment

0 Comments