ABISO PUBLIKO: MOBILE CRVS OUTLET NG PSA, DARATING SA ATING BAYAN! 🇵🇭✨





Ipinaaabot po sa lahat ng ating mga Agoncillian na bukas, Oktubre 28, 2025 (Martes), ay darating sa ating SB Conference Room ang mga kinatawan mula sa Philippine Statistics Authority (PSA) upang magsagawa ng Mobile Civil Registration and Vital Statistics (CRVS) Outlet.

Sa pamamagitan ng programang ito, magkakaroon ng pagkakataon ang ating mga kababayan na makakuha ng kanilang PSA-authenticated Birth Certificate, Cenomar at makapagparehistro sa PhilSys o National ID System nang hindi na kailangang bumiyahe pa sa ibang bayan. 

Isa itong malaking tulong lalo na sa mga kababayang may limitadong oras o kakayahang makapunta sa mga tanggapan ng PSA. Ang nasabing aktibidad ay sa pangunguna ng ating masipag na Local Civil Registrar, Ma’am Karen Olvina, kasama ang buong LCR Office ng Bayan ng Agoncillo. 

Layunin nitong mas mailapit ang mga pangunahing serbisyo ng pamahalaan sa ating mga mamamayan upang mas maging madali, mabilis, at maginhawa ang proseso ng pagkuha ng mahahalagang dokumento.

Paalala lamang po sa lahat na ang mga serbisyo ng PSA Mobile CRVS Outlet ay may kaukulang bayad at hindi po ito libre. 

Hinihikayat ang bawat isa na magdala ng sapat na halaga at mga kinakailangang dokumento upang maging maayos at mabilis ang inyong transaksyon. Kaya mga minamahal naming Agoncillian, huwag nang palampasin ang pagkakataong ito! 

Samantalahin ang serbisyong hatid ng PSA at LCR Agoncillo.

#MagandangAgoncillo

#MagandangSerbisyoPubliko

Post a Comment

0 Comments