INDAK AT HUSAY: ZUMBA DANCE CONTEST NG MGA MINAMAHAL NATING SENIOR CITIZENS, ISINAGAWA NG LOKAL NA PAMAHALAAN NG AGONCILLO 🇵🇭✨






Isang makulay at masiglang selebrasyon ng sigla, talento, at pagkakaisa ang naganap sa isinagawang Zumba Dance Contest para sa ating mga minamahal na Senior Citizens, na inorganisa ng Lokal na Pamahalaan ng Agoncillo sa pamamagitan ng  MSWDO na pinamumunuan ni Ma'am Josalyn Cortez.
Layunin ng aktibidad na ito na bigyang-pugay ang ating mga nakatatanda na, sa kabila ng kanilang edad, ay patuloy na nagpapamalas ng sigla, disiplina, at inspirasyon sa buong komunidad.  Naroon upang magbigay-suporta at magpugay sa ating mga kalahok ang ating minamahal na Punong Bayan, Atty. Cinderella Valenton-Reyes, kasama ang mga masisipag na miyembro ng Sangguniang Bayan. 
Ipinahayag ng ating Punong Bayan ang kanyang paghanga at pasasalamat sa mga senior citizens na nagsilbing inspirasyon sa kabataan at sa ating bayan, ika niya, ito ay patunay na ang kasiglahan at kasiyahan ay walang pinipiling edad.
Mabuhay ang ating mga Lolo at Lola, ang ating mga inspirasyon sa sigla at saya!
#MagandangAgoncillo
#MagandangSerbisyoPubliko

Post a Comment

0 Comments