Isang karangalan para sa Bayan ng Agoncillo ang personal na pagbisita ni Dra. Airamei Mendoza, isang Agoncillian na nakapasa sa katatapos lamang na Physician Licensure Examination. Kasama ang kanyang ama, ay nakadaupang-palad nila ang ating minamahal na Punong Bayan, Atty. Cinderella Valenton-Reyes.
Ang tagpong ito ay sumasalamin sa diwa ng “Husay Agoncillian”isang paalala na ang tagumpay ng bawat anak ng bayan ay tagumpay ng buong Agoncillo. Sa likod ng bawat karangalang tinatamasa ng ating mga kababayan, naroon ang pagsisikap, determinasyon, at pagmamahal sa sariling pinagmulan.
Sa ilalim ng pamumuno ni Atty. Cinderella Valenton-Reyes, patuloy na kinikilala ng Lokal na Pamahalaan ng Agoncillo ang mga Agoncillian na nagpapatunay ng kanilang husay sa anumang larangan.
Muli, Congratulations Dra. Airamei! ✨
#MagandangAgoncillo
#MagandangSerbisyoPubliko
0 Comments