''Dahil sa patuloy na paglindol sa iba’t ibang bahagi ng bansa, nananawagan ako sa lahat ng Local Disaster Risk Reduction and Management Councils, Local Government Units, at mga komunidad sa CALABARZON na manatiling alerto at laging handa. Mahalaga ang maagap na paghahanda upang maiwasan ang pinsala at matiyak ang kaligtasan ng ating mga mamamayan, lalo na sa mga lugar na malapit sa mga aktibong fault.

Hinihikayat ko rin ang mga LGU na repasuhin at palakasin ang kanilang contingency plans, magsagawa ng regular na earthquake drills, at tiyaking maayos ang koordinasyon ng mga emergency response teams upang agarang makakilos sa oras ng sakuna.  
Ang kaligtasan ng bawat isa ay nakasalalay sa ating pagkakaisa at kahandaan—maging alerto, maagap, at mapagmatyag tayo sa lahat ng pagkakataon.''
𝗗𝗶𝗿𝗲𝗰𝘁𝗼𝗿 𝗖𝗮𝗿𝗹𝗼𝘀 𝗘𝗱𝘂𝗮𝗿𝗱𝗼 𝗘. 𝗔𝗹𝘃𝗮𝗿𝗲𝘇 𝗜𝗜𝗜
𝘊𝘩𝘢𝘪𝘳𝘱𝘦𝘳𝘴𝘰𝘯, 𝘙𝘦𝘨𝘪𝘰𝘯𝘢𝘭 𝘋𝘙𝘙𝘔 𝘊𝘰𝘶𝘯𝘤𝘪𝘭 𝘊𝘈𝘓𝘈𝘉𝘈𝘙𝘡𝘖𝘕
#CivilDefensePH 
#CivilDefenseInAction
#ServingTheNation
#ProtectingThePeople
#ligtasangbayankunghandaangmamamayan
#BawatSegundoMahalaga

Post a Comment

0 Comments