CALL TO SERVE: DENTAL MISSION, HANDOG NI KONSEHAL KIDLAT CARINGAL PARA SA ATING MGA KABABAYAN 🇵🇭✨



CALL TO SERVE: DENTAL MISSION, HANDOG NI KONSEHAL KIDLAT CARINGAL PARA SA ATING MGA KABABAYAN 🇵🇭✨

Sa patuloy na adhikain ni Konsehal Kidlat Caringal na mapangalagaan ang kalusugan at kapakanan ng bawat mamamayan ng ating komunidad, kasalukuyang isinasagawa ang Call to Serve Dental Mission na naglalayong maghatid ng libreng serbisyo dental para sa ating mga kababayang taga Subic Ilaya at ibang barangay.

Ang proyektong ito ay isang malinaw na patunay ng malasakit at tunay na paglilingkod sa ating mga kababayan at isang hakbang upang maiparating na ang serbisyong pangkalusugan ay hindi lamang para sa iilan, kundi para sa lahat, lalo na sa mga kapus-palad at higit na nangangailangan.

Sa tulong ng mga dedikadong dentista, volunteer, at mga partner organizations, matagumpay na naipagkaloob ang iba’t ibang serbisyo gaya ng tooth extraction, dental check-up, oral hygiene education, at libreng dental kits. 

Katuwang ang ating Municipal Health Office, naniniwala si Konsehal Kidlat na ang mga ngiti ng ating mga kababayan ay siyang pinakamagandang gantimpala sa araw ng paglilingkod na ito.

Sa mga nagnanais pa po na humabol, magtungo lamang po kayo sa Covered court ng Barangay Subic Ilaya ngayong araw.

#MagandangAgoncillo

#MagandangSerbisyoPubliko


Post a Comment

0 Comments