ALERTO PARA SA BAYAN | LOKAL NA PAMAHALAAN, NAKA-ALERTO SA NAGANAP NA PHREATOMAGMATIC ERUPTION NG BULKANG TAAL KANINANG UMAGA 🇵🇭✨





Bilang tugon sa naganap na phreatomagmatic eruption ng Bulkang Taal ngayong umaga, agad na kumilos ang Lokal na Pamahalaan ng Agoncillo sa pangunguna ng ating kagalang-galang na Punong Bayan Atty. Cinderella Valenton-Reyes, upang matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng bawat mamamayan.
Kaagapay ng ating Punong Bayan ang MDRRMO sa pamumuno ni Sir Junfrance De Villa, katuwang ang PNP Agoncillo na pinangungunahan ni Sir Genesis Tiongson, ang Philippine Coast Guard Agoncillo, at ang Pamahalaang Barangay ng Banyaga sa pamumuno ni Kgg. Ben Palicpic. 
Sama-sama nilang pinag-usapan at pinagplanuhan ang mga kinakailangang hakbang upang mapanatiling ligtas ang ating mga kababayan, lalo na kung sakaling itaas ang alert level ng bulkan sa mga susunod na oras.
Samantala, ilan sa ating mga kababayan ay pansamantalang tumungo na sa kanilang mga kamag-anak sa mga kalapit na lugar bilang pag-iingat. Wala pang inilalabas na opisyal na abiso ukol sa sapilitang pagpapalikas, subalit nakahanda na ang Lokal na Pamahalaan at mga kaugnay na ahensya sakaling kailanganin ito.
Patuloy pong nakatutok at nakikipag-ugnayan ang ating mga opisyal sa PHIVOLCS, DILG, at iba pang kaukulang ahensya upang makakuha ng pinakabagong impormasyon at gabay. 
Hinihiling namin sa publiko ang patuloy na pagiging mahinahon, maingat, at mapagmatyag. Maging responsable sa pagbabahagi ng impormasyon at siguraduhing mula lamang ito sa mga lehitimong pinagkukunan.
Ang kaligtasan ng bawat Agoncillians ang pangunahing layunin ng ating Pamahalaan. Sama-sama nating harapin ang hamon ng kalikasan sa pamamagitan ng pagkakaisa, disiplina, at malasakit sa kapwa.
Keep safe mga Kababayan!
#MagandangAgoncillo
#MagandangSerbisyoPubliko

Post a Comment

0 Comments