TINGNAN | TRABAHO PARA SA MGA AGONCILLIAN 🇵ðŸ‡✨
Sa patuloy na pagsusumikap ng Lokal na Pamahalaan ng Agoncillo na maitaguyod ang kapakanan at kabuhayan ng ating mga mamamayan, isang Job Fair ang isasagawa sa pangunguna ng Public Employment Service Office (PESO) sa pamumuno ni Ma'am Mercy Punzalan, katuwang ang ating masipag at minamahal na Punong Bayan, Atty. Cinderella Valenton Reyes, kasama rin ang mga kinatawan mula sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at Department of Migrant Workers (DMW).
Ito ay gaganapin sa ating G. Brotonel Events Center sa Ika-18 ng Setyembre 2025 (Huwebes) mula 8:00 ng umaga.
Sa nasabing job fair, iba’t ibang lokal at internasyonal na oportunidad sa trabaho ang nakahanda para sa mga minamahal nating kababayan.
Ang mga kompanyang kalahok ay handang tumanggap ng mga aplikante mula sa iba’t ibang larangan at antas ng karanasan.
Ito ay bukas para sa lahat, maging sa mga kabataang naghahanap ng unang trabaho, mga propesyonal na nais ng bagong oportunidad, at pati na rin ang ating mga skilled workers na naghahangad ng trabaho sa ibang bansa.
Huwag palampasin ang pagkakataong ito! Magdala lamang ng sapat na kopya ng inyong resume, valid ID, at iba pang mahahalagang dokumento.
#MagandangAgoncillo
#MagandangSerbisyoPubliko
0 Comments