𝗪𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗣𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗼𝗻𝗴 𝗗𝗮𝗽𝗮𝘁 𝗠𝗮𝗶𝘄𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝗞𝗮𝗹𝘂𝘀𝘂𝗴𝗮𝗻! – 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗛𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵 𝗮𝘁 𝗟𝗚𝗨 𝗔𝗴𝗼𝗻𝗰𝗶𝗹𝗹𝗼, 𝗞𝗮𝗮𝗴𝗮𝗽𝗮𝘆 𝗻𝗴 𝟰𝗣𝘀 𝗕𝗲𝗻𝗲𝗳𝗶𝗰𝗶𝗮𝗿𝗶𝗲𝘀 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗴-𝘂𝗻𝗹𝗮𝗱.




𝗪𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗣𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗼𝗻𝗴 𝗗𝗮𝗽𝗮𝘁 𝗠𝗮𝗶𝘄𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝗞𝗮𝗹𝘂𝘀𝘂𝗴𝗮𝗻! – 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗛𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵 𝗮𝘁 𝗟𝗚𝗨 𝗔𝗴𝗼𝗻𝗰𝗶𝗹𝗹𝗼, 𝗞𝗮𝗮𝗴𝗮𝗽𝗮𝘆 𝗻𝗴 𝟰𝗣𝘀 𝗕𝗲𝗻𝗲𝗳𝗶𝗰𝗶𝗮𝗿𝗶𝗲𝘀 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗴-𝘂𝗻𝗹𝗮𝗱.

Agoncillo, Batangas – Walang Pilipinong dapat maiwan pagdating sa kalusugan. Kaya naman nagkaisa ang PhilHealth at Lokal na Pamahalaan ng Magandang Agoncillo Batangas upang masigurong bawat miyembro ay may tamang benepisyo at proteksyon. Noong Setyembre 10, 2025, matagumpay na isinagawa ang PhilHealth Caravan sa Gregorio Brotonel Municipal Event Center sa pakikipagtulungan ng LGU Maganda Agoncillo.

Layon ng aktibidad na ito na maisaayos ang mga datos at impormasyon, makapag-update ng MDR), at maiproseso ang mga qualified beneficiaries upang masiguro na may sandigan ang bawat pamilyang Agoncillians pagdating sa serbisyong pangkalusugan.

Isang mahalagang bahagi ng programa ang aktibong pagdalo ng mga benepisyaryo ng 4Ps, na nagpatunay na ang inisyatibang ito ay tunay na nakatuon sa mga pamilyang higit na nangangailangan ng suporta at proteksiyon sa kalusugan. Sa pamamagitan ng ganitong mga programa, mas napapalapit sa tao ang gobyerno. Higit sa lahat, natitiyak nating may masasandalan ang bawat mamamayan, lalo na ang mga kababayan nating kabilang sa 4Ps, pagdating sa kanilang kalusugan.

#DSWD #PantawidPamilyangPilipinoProgram #Philhealth #PhilHealthYAKAP #PhilhealthRegistration #PhilhealthCaravan #AgoncilloBatangas

Post a Comment

0 Comments