MGA KAWANI NG PAMAHALAANG LOKAL NG AGONCILLO DUMALO SA PHILSA PINAS PROJECT WORKSHOP 🇵🇭✨




MGA KAWANI NG PAMAHALAANG LOKAL NG AGONCILLO DUMALO SA PHILSA PINAS PROJECT WORKSHOP 🇵🇭✨

Mula kahapon hanggang ngayong araw, ang mga kinatawan mula sa Pamahalaang Lokal ng Bayan ng Agoncillo ay nakibahagi sa PHILSA PINAS Project Workshop na ginanap sa Batangas State University – Alangilan Campus.

Ang nasabing workshop ay inorganisa ng Philippine Space Agency (PhilSA) bilang bahagi ng kanilang adbokasiya na mailapit ang kaalaman at benepisyo ng agham, teknolohiya, at inobasyon sa mga pamahalaang lokal. 

Layunin nitong turuan at sanayin ang mga LGU representatives sa paggamit ng makabagong datos at teknolohiya, partikular na yaong nagmumula sa space science at satellite imaging, upang makatulong sa mas mahusay na pagpaplano, pangangasiwa, at pagbibigay-solusyon sa mga suliraning kinahaharap ng ating mga komunidad.

Sa pamamagitan ng ganitong mga pagsasanay, nabibigyan ng mas malalim na kaalaman ang mga kawani ng lokal na pamahalaan upang maging mas handa sa pagtugon sa mga isyu gaya ng kalamidad, urban planning, environmental management, at iba pang mahahalagang usapin para sa ikabubuti ng bayan.

Ang partisipasyon ng ating mga kawani sa ganitong uri ng workshop, sapagkat ito ay patunay ng ating patuloy na pagsusumikap na mapaunlad ang kalidad ng serbisyo publiko para sa ating mga kababayan.

#MagandangAgoncillo

#MagandangSerbisyoPubliko

Post a Comment

0 Comments