TINGNAN | Ang Bayan ng Agoncillo ay kinilala bilang isa sa mga Green Banner Compliance Awardees sa katatapos lamang na Regional Nutrition Awarding Ceremony (RNAC) 2025 – CALABARZON, na ginanap sa Acacia Hotel, Alabang. 🇵🇭✨

Ang Green Banner Compliance Award ay iginagawad sa mga lokal na pamahalaan na matagumpay na naipapatupad ang mga programang pangkalusugan at nutrisyon para sa kanilang mamamayan. Isa lamang ang Agoncillo sa limang bayan sa buong lalawigan ng Batangas na nakatanggap ng ganitong pagkilala, isang patunay ng ating dedikasyon tungo sa mas malusog na komunidad.
Ang parangal ay opisyal na tinanggap ni Mayor Cinderella Valenton-Reyes, kasama si Nurse Ella Padua ng ating Rural Health Unit , bilang kinatawan ng bayan sa nasabing okasyon.
Congratulations Magandang Agoncillo!
Mabuhay ang Bayan ng Agoncillo! 
Patuloy tayong magkaisa para sa mas masigla at mas malusog na kinabukasan! 
#MagandangAgoncillo
#MagandangSerbisyoPubliko

Post a Comment

0 Comments