ON-THE-SPOT DIGITAL LOGO MAKING CONTEST SA MAGANDANG AGONCILLO, ISINAGAWA NA 🇵ðŸ‡✨
Isang makulay at makabuluhang aktibidad ang isinagawa ng Lokal na Pamahalaan bilang bahagi ng pagdiriwang ng Tourism Month.
Sa pangunguna ng masigasig na Tourism Officer na si Gng. Charlyn Dela Luna, matagumpay na isinagawa ang On-the-Spot Digital Logo Making Contest na ginanap sa V. Maligalig Conference Room. Layunin ng patimpalak na ito na hikayatin ang mga kabataang malikhaing Pilipino na ipamalas ang kanilang talento sa sining, habang pinapatingkad ang kahalagahan ng turismo sa ating bayan.
Ang aktibidad na ito ay bahagi ng mas malawak na selebrasyon ng Tourism Month, na naglalayong paigtingin ang kamalayan ng publiko sa kahalagahan ng lokal na turismo bilang isa sa mga pangunahing sektor na nakatutulong sa pag-unlad ng ating ekonomiya at pagkakakilanlan bilang isang komunidad.
Ang magwawaging logo ay gagamitin ng ating lokal na pamahalaan bilang opisyal na logo ng ating bayan.
Lubos ang pasasalamat ng pamahalaang lokal sa lahat ng lumahok at sumuporta sa nasabing aktibidad. Ang mga kalahok ay tunay na nagsilbing inspirasyon sa patuloy nating adbokasiya na itaguyod ang sining, kultura, at turismo sa ating bayan.
#MagandangAgoncillo
#MagandangSerbisyoPubliko
0 Comments