TAYO ANG SOLUSYON: LOKAL NA PAMAHALAAN NG AGONCILLO, AKTIBONG NAKIISA SA CLEAN-UP DRIVE 2025 KATUWANG ANG IBA'T IBANG AHENSYA AT MGA MAMAMAYANG AGONCILLIAN🇵🇭✨
Bilang tugon sa panawagan ng ating Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna ng ating minamahal na Gobernadora, Hon. Vilma Santos-Recto, katuwang ang DILG Cluster 3, buong puso at aktibong lumahok ang Lokal na Pamahalaan ng Agoncillo sa isinagawang Clean-Up Drive 2025.
Sa pangunguna ng ating butihing Punong Bayan, Atty. Cinderella Valenton-Reyes, nakibahagi ang iba't ibang ahensya ng gobyerno, mga organisasyon sa komunidad, at mga masisigasig na mamamayan sa malawakang paglilinis sa paligid ng ating mahal na lawa, bilang konkretong hakbang tungo sa mas malinis, mas ligtas, at mas luntiang Agoncillo.
Ang aktibidad na ito ay patunay na sa pagkakaisa ng pamahalaan at mamamayan, kaya nating tugunan ang mga hamon ng panahon, lalo na pagdating sa pangangalaga sa kalikasan. Sa bawat plastik na nakolekta, sa bawat basura na ating tinanggal sa dalampasigan, tayo ay nag-aambag sa mas malawak na layunin, ang pagprotekta at pagpapanatili ng ganda at yaman ng ating Inang Kalikasan para sa mga susunod na henerasyon.
Tayo ang solusyon. Tayo ang pag-asa. Sama-sama nating itaguyod ang isang Agoncillo na maayos, malinis, at maunlad!
#MagandangAgoncillo
#MagandangSerbisyoPubliko
0 Comments