TATAK: Likha ng Lahi, Sagisag ng Bayan




TATAK: Likha ng Lahi, Sagisag ng Bayan

DIGITAL LOGO MAKING CONTEST, BUKAS NA 🇵🇭✨

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Tourism Month, malugod naming ipinababatid sa buong bayan ng Agoncillo ang isang makabuluhang aktibidad na layuning patatagin ang ating pagkakakilanlan at ipamalas ang kagandahan, kasaysayan, at kultura ng ating bayan, ang Digital Logo Making Contest na may temang “Tatak: Likha ng Lahi, Sagisag ng Bayan.”

Sa pangunguna ni Ms. Charlyn Dela Luna, ang ating masigasig na Tourism Officer, isinusulong ang proyektong ito upang bigyang-diin ang kahalagahan ng sining bilang midyum ng pagpapahayag ng ating identidad bilang Agoncillians.

Ang aktibidad ay gaganapin BUKAS na Setyembre 22, 2025 (Lunes), mula ika-8:00 ng umaga sa V. Maligalig Conference Room.

Inaanyayahan ang lahat ng may husay sa sining  na makiisa at makibahagi sa gawaing ito. Huwag palampasin ang pagkakataong maging bahagi ng isang makasaysayang hakbang tungo sa pagbubuo ng sagisag na maglalarawan sa ating lahi at bayan.

Maging kabahagi ng kasaysayan. Ipakita ang galing, talento, at pagmamahal mo sa Agoncillo sa pamamagitan ng sining.

SALI NA❗️

Ito po ay open para sa lahat ng mamamayan ng ating bayan.

Para sa iba pang detalye at mekanismo ng paligsahan, mangyaring makipag-ugnayan sa ating Tourism Officer, Ma'am Charlyn Dela Luna at basahin ang Mechanics na nakalagay sa baba.

#MagandangAgoncillo

#MagandangSerbisyoPubliko

Post a Comment

0 Comments