TINGNAN | Pagpapasinaya at pagbababasbas sa bagong Agoncillo Sub-Office Multi-Purpose Building, isinagawa ngayong araw. 🇵🇭✨





 TINGNAN | Pagpapasinaya at pagbababasbas sa bagong Agoncillo Sub-Office Multi-Purpose Building, isinagawa ngayong araw.

🇵🇭✨
Matagumpay na isinagawa ang Inauguration at Blessing ng Agoncillo Sub-Office Multi-Purpose Building ng DepEd Agoncillo. Ang makabagong pasilidad na ito ay sumasagisag sa patuloy na pagsusumikap ng ating kagawaran na maghatid ng mas maayos at napapanahong serbisyo para sa sektor ng edukasyon sa ating bayan.
Dumalo sa nasabing programa ang ating minamahal na Punong Bayan, Atty. Cinderella Valenton-Reyes, kasama ang ating Pangalawang Punong Bayan, Atty. Remjelljan Humarang, mga miyembro ng Sangguniang Bayan at mga kinatawan mula sa DepEd SDO Batangas Province na pinamumunuan ng ating masipag na Public Schools Division Superintendent, Dr. Marites Ibañez. Aktibo ding nakiisa ang mga Punong Guro ng iba't ibang paaralan sa Agoncillo kasama ang mga PTA Presidents ng iba't ibang paaralan.
Nasa pagdiriwang din ang kinatawan ni Sen. Grace Poe na si Bb. Thea Quizon, mga kawani ng DPWH Batangas District 3 na pinamumunuan ni District Engineer Carolina Pastrana.
Lubos ang pasasalamat ng DepEd SMART Agoncillo Sub Office sa lahat ng naging bahagi ng proyektong ito lalo na sa mga opisyal, kawani, at katuwang ng lokal na pamahalaan at mga pribadong sektor.
Sa mensahe ng ating masipag na District Supervisor, Dr. Maria Melissa Ariola, Nawa’y magsilbing inspirasyon ito sa patuloy nating pagtutulungan para sa kapakanan ng bawat batang SMART Agoncillian!

Post a Comment

0 Comments