TINGNAN | MODULAR DISTANCE LEARNING, IPATUTUPAD SA AGONCILLO BUKAS 🇵🇭✨


TINGNAN | MODULAR DISTANCE LEARNING, IPATUTUPAD SA AGONCILLO BUKAS 🇵🇭✨

Dahil sa mga kinakaharap na kondisyon ng pagbaha, magsasagawa ng Modular Distance Learning ang ilan sa mga pampublikong paaralan sa Bayan ng Agoncillo simula bukas, Hulyo 9. Layunin nitong masiguro ang tuloy-tuloy na pag-aaral ng mga mag-aaral habang pinangangalagaan ang kanilang kaligtasan.

Ang nasabing impormasyon ay base sa ulat ng mga Punong Guro sa ating Public Schools District Supervisor, Dr. Maria Melissa Ariola.

Ang ating Lokal na Pamahalaan sa pamumuno ng ating minamahal na Punong Bayan, Atty. Cinderella Valenton-Reyes kasama ang ating Pangalawang Punong Bayan, Atty. Remjelljan Humarang, Pambayang Administrador, Dr. Noel Mendoza, mga Department Heads at lahat ng kawani ay patuloy na pinag-iingat ang lahat sa banta ng pagbaha.

Maging Alerto at Handa, Agoncillians!

#MagandangAgoncillo
#MagandangSerbisyoPubliko

Post a Comment

0 Comments