TINGAN | Patuloy na Pagbabantay para sa Kaligtasan: MDRRMO Agoncillo, Alerto sa mga Flood-Prone Areas🇵🇭✨


TINGAN | Patuloy na Pagbabantay para sa Kaligtasan: MDRRMO Agoncillo, Alerto sa mga Flood-Prone Areas🇵🇭✨

Bilang tugon sa patuloy na banta ng masamang panahon at posibleng pagbaha, ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) sa pangunguna ni Sir Junfrance De Villa katuwang ang mga kinatawan ng Crisis and Disaster Response Team (CDRT) ay nagsasagawa ng masusing monitoring at regular na inspeksyon sa mga itinuturing na flood-prone areas sa iba't ibang barangay. Ang mga gawaing ito ay bahagi ng patuloy na inisyatibo ng pamahalaang bayan upang masiguro ang kaligtasan at kahandaan ng ating mga mamamayan sa gitna ng banta ng kalamidad.

Kasama rin sa isinagawang aktibidad ang mga kinatawan ng Barangay Banyaga na katuwang ng MDRRMO sa pagbabantay, hindi lamang sa baha kundi maging sa patuloy na pagmamanman sa kondisyon ng Bulkang Taal. 

Ang ganitong mga hakbang ay bahagi ng malawakang Disaster Preparedness Program ng bayan, na nakatuon sa maagap na pagresponde, pagbibigay babala, at pagtitiyak ng kaligtasan ng bawat mamayan ng Agoncillo. Patuloy po ang aming panawagan sa lahat ng residente na makiisa, maging alerto, at tumalima sa mga abiso at paalala ng ating lokal na pamahalaan.

#MagandangAgoncillo
#MagandangSerbisyoPubliko

Post a Comment

0 Comments