TINGNAN| Mga kabataang Agoncillian, nag-enjoy sa isinagawang Libreng Basketball Clinic ng ating Lokal na Pamahalaan.






 TINGNAN| Mga kabataang Agoncillian, nag-enjoy sa isinagawang Libreng Basketball Clinic ng ating Lokal na Pamahalaan.

Ayon kay Ms. Charlyn Ann Dela Luna, ang ating Tourism Officer, "Isinagawa po natin ito upang gawing makabuluhan at exciting ang bakasyon ng mga bata. Kada taon po, mayroon pong mga programs ang lokal na pamahalaan at ngayon po ay nais po ng ating Punong Bayan, Atty. Cinderella Valenton-Reyes na dagdagan po ito kaya mayroong Basketball at Volleyball".
Tunay na makikitang nag-eenjoy ang ating mga kabataan habang sumasailalim sa trainings na bahagi ng ating Libreng Basketball Clinic 2025. Nilahukan ito ng mga kabataan mula sa iba't ibang barangay. Samantala, ang mga empleyado din ng ating Lokal na Pamahalaan na bihasa sa larong basketball ang nagtuturo o nagsasanay sa kanila.
Ang Libreng Basketball Training na ito ay ginaganap sa ating Plaza Elena Covered Court tuwing ika-3 ng hapon. Layunin nito na mas mapagyabong pa ang talento at husay ng ating mga kabataan lalo't higit sa isports.

Post a Comment

0 Comments