DAPAT ALAM MO
Ang tanggapan po ng ating Municipal Agriculturist sa pangunguna ni Ma'am Olive Mirasol ay hinihikayat ang ating mga kababayan na nagnanais sumailalim sa isasagawang Farmers Field School on Vegetable Production.
Layunin ng programa na dagdagan ang kaalaman ng ating mga kababayan sa kahalagahan ng Agrikultura lalo't higit sa pagtatanim.
Sa mga nagnanais pong magpalista o sumali, magtungo lamang po sa tanggapan ng ating Municipal Agriculturist, Ground floor ng ating V. Maligalig Legislative Building at hanapin lamang po si G. Dhan Badillo Martinez. Ang screening po at registration ay magsisimula mula Mayo 6 hanggang Mayo 16, 2025.
Sali na po kayo!

0 Comments